Magna Cum Laude of Caritas Manila 2018

ACE MALAGUIT PATRICIO

MAGNA CUM LAUDE

BACHELOR OF SCIENCE IN FINANCIAL MANAGEMENT

UNIVERSITY OF MAKATI

 

Sa lahat ng mga kagalang-galang na bisita sa lahat ng bumubuo ng Caritas, sa lahat ng mga magulang na naririto at sa mga kapwa ko mga iskolar na magsisipagtapos, isang pinagpalang umaga po sa inyong lahat.

Bago ko po simulan ang aking mensahe, gusto ko lang pong sabihin sa inyong lahat na napakapalad natin dahil nabigyan tayo ng pagkakataon na makapag-aral sa tulong ng CARITAS. Kaya nais ko pong bigyan natin ng isang masigabong palakpakan ang ating mga sarili sa matagumpay na pagtatapos ngayong araw na ito.

Isa itong malaking karangalan para sa akin na tumayo at magsalita sa inyong harapan ngayong umagang ito. Sa totoo lang hindi ko ito inaasahan pero, alam kong ang Diyos ang nagbigay sa akin ng pagkakataong ito. Batid ko pong ang napakahalagang araw na ito ay para sa ating lahat ngunit, hayaan niyo po sanang sa mga oras na ito ako muna ang maging bida. So please allow me to share my story and my journey.

“A person cannot choose how he was born, but he can choose how he is going to live his life”. This quote always reminds me my experiences before I achieved the recognitions that I have now.

To begin with, I was raised at the prosperous and advanced city of Makati. Makati! Isang napakagandang lugar at napakaunlad na lungsod. Maraming trabaho at benepisyo. Kaya di na nakapagtataka na sobrang daming tao ang gustong mamuhay dito. Kaya minsan nung tinanong ako kung saan ako nakatira ang sabe ko sa Makati. “Wow! Rich kid, ang sosyal mo naman, apo ni Binay” yan po ang sabe nila). But they didn’t know, behind the high-rise buildings of the city, my family was unfortunately living in a squatter’s area called “Laperal”. “Hala! Squatter’s area”. Siguro ang iba sa inyo iniisip, “Ay! magulo diyan, mabaho, maraming adik, rugby boy, snatchers at kung ano-ano pang masasamang bagay”. Ako na po ang magsasabi sa inyo, tama po ang lahat ng iniisip nyo. Pero alam nyo po, kahit ganun dun nakakamiss din yung lugar na yun. At alam nyo ba kung ano yung pinaka namimiss ko? Yung feeling na magigising ka hindi sa tilaok ng manok, kundi sa tilaok ng chismosa mong kapitbahay, mga mag-asawang nagaaway, mga bumbay na maniningil ng utang sa bahay at ang pinakamahirap sa lahat yung magigising ka dahil sa sobrang init, sumabog na naman daw yung transformer dahil sa daming jumper. May mga pagkakataon pa nga na kelangan kong mag-aral tapos walang kuryente sa bahay.

Mahirap na masaya, ayan po ang laperal, ang naging playground ko sa loob ng 16 na taon. Honestly, my family did not want to live in that kind of place, but because of poverty, we had no choice but to live in that kind of environment.

Nevertheless, I was not swayed by the norm of that community. Instead of complaining, I used my situation as an inspiration to strive harder so that my family will be able to leave where we are.

Because of my hardwork and dedication, I graduated in elementary with distinctions. But, after I graduated in elementary, I was diagnosed with kidney failure or known as Nephrotic Syndrome. Nephrotic Syndrome? Ano yun? Tunog sakit mayaman diba. I know that some of you here ay first time lang din narinig to. So, to give you an idea about sa sakit ko. Yan lang naman po yung naging dahilan kung bakit kami nabaon sa utang. Sa dami ba naman po ng gamot na kelangan kong inumin araw-araw. Umabot pa nga sa punto na kelangan ko mag chemotherapy through medication. Ang mahal po ng mga gamot ko, ang dami kong bawal kainin at gawin. And as a child, it was really hard for me. But I never gave up, instead, I always pleaded to God to give me more strength to overcome my struggles. Moreover, I believe that God will heal me, and He will use my testimony to give hope to other people who experienced the same thing. Thus, I kept the fight going.

Unfortunately, my momentum in realizing my dreams was stalled when an unforeseen event happened. More than half of our community was glazed by fire in April 2011, including our home. During that time, I do not know what to do because almost all of our belongings were turned into ashes, along with my conviction to finish my studies and experience a better life.

Apparently, we were relocated and I was forced to transfer in Montalban, Rizal. Ang hirap pong lumipat ng bahay, I swear, lalo na kapag yung nilipatan nyo ay ibang-iba sa lugar na nakasanayan nyo. From manila boy to probinsiyano. Kapalit ng nagtataasang buildings ay ang mga nagtataasang bundok. Panibagong simula, panibago na namang kaibigan at pakikisama. Sabe nga nila yung unang buwan daw ang pinakamahirap, pero parang hindi naman. Araw-araw nga pong piyesta samin, piyesta ng mga lamok. Halos isang buwan din po kaming pinagpiyestahan ng mga lamok dahil walang kuryente. Dito din po namin naranasan pumila at magposo para lang magkaroon ng tubig. Kasabay pa nito ang pagkawala ng aming hanapbuhay. That was a big challenge for us especially for me, but I accepted those challenges without fear and hesitation. I continued to study hard and made those minor setbacks into a major comeback. That is why, I achieved lot of recognitions and finished high school in Montalban as first honor. Nonetheless, that was just part of my journey. I knew that there were more challenges ahead of me. But I did not let the thought hinder me from reaching my dreams for my family.

Back then, I really wanted to pursue my college in Manila, particularly in University of Makati. However, my parents could no longer afford all the expenses because 6 of my siblings are still studying. That’s why, I felt lucky because I encountered the benevolence of Caritas Manila. I applied as a scholar and was accepted for the YSLEP scholarship. Natupad man po yung pangarap ko na makapagaral sa Makati, ngunit hindi pa rin po naging madali ang lahat. Unang-una po, wala akong bahay na matutuluyan. Naranasan ko pong makitira kung kani-kanino. Mahigit isang taon ko rin pong kinapalan ang mukha ko at nagtiis na makisama sa mga kamag-anak ko. Kaya laking pasasalamat ko po talaga sa Caritas dahil kahit papano po nakatulong sila sa gastusin ko sa school, sa mga projects at lalong lalo na po sa pagkain at baon ko. Ang papa ko po kasi ay tricycle driver, alam niyo naman po hindi laging malakas ang biyahe at malaki ang kita. Kaya may time talaga na hindi rin malaki ang baon. So pag may allowance po, binibigyan ko yung mama ko tapos yung matitira po tinatabi ko para pandagdag sa baon ko at gastusin sa school. Pero hindi lang po sa financial assistance ako tinulungan ng Caritas. Tinulungan din nila akong mas lumawig ang pananampalataya at mapalapit sa Diyos. Sa totoo lang po nung una, nagsisimba lang ako dahil yun ang tungkulin ko bilang isang scholar. Pero habang tumatagal sa tulong ng programa ng Caritas gaya ng Formation, recollection at seminar, nalaman ko ang totoong purpose ko bilang isang YSLEP Scholar. And that is, to be a youth servant leader of God.

Meantime, I thought that my journey will run smoothly because I was able to adjust and study in my chosen school. But the reality of life challenged my faith again. My younger brother died due to leukaemia 20 days after his birthday. During that time, hindi ko po alam anong gagawin ko, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Dumating na din ako sa point na kinwestiyon ko ang Diyos. Sabe ko, Lord, ang daming masasamang tao dyan pero bakit yung kapatid ko pa? Bakit hindi na lang ako tutal ako naman yung maysakit? Napakabata niya pa at marami pang pangarap sa buhay. Naalala ko pa nung bumisita kami sa kanya sa ospital, rinig na rinig ko ang kagustuhan niya pang mabuhay. Sabe niya “Ma, kakain nako ng gulay para mabilis akong gumaling. Gusto ko pa kasing mabuhay. Hindi na rin ako magpapasaway tsaka mag-aaral nako ng mabuti”. Pero kahit gusto pa ng puso’t isip niya hindi na kinaya ng katawan nya. Kinabukasan after niyang sabihin yun, nagising na lang si mama, wala na ang kapatid ko. Nung nalaman ko yun, tinibayan ko ang loob ko, Inisip ko na lang, siguro ayaw nya na din kaming mahirapan.

And it was because of my brother’s passing, I was reminded that I still have my family who loves me indeed. I realized that the sorrow situation I experienced was just a test of my faith. My family made me realize that they are my powerful weapon to continue in living my life. Thus, I moved on and continued my dream to finish what I have started.

During my college life, sariling sikap po ako dahil hindi ko kasama mga magulang ko. Kasama ko lang po yung dalawa kong kapatid. Yung kuya ko pang gabi sa trabaho tapos yung ate ko naman nag-aaral kaya ako lang din po nagaasikaso sa sarili ko. Kelangan ko gumising ng maaga para magsaing at may makain bago pumasok. Pagkauwi galing sa school, kelangan ko naman labhan yung mga damit ko. Pero katulad niyo po, pag nasa sa school isa lang din akong normal na estudyante. Laging nakukuhaan ng ID dahil hindi naka uniform, pasaway sa mga prof, nagpapakopya at nangongopya sa katabi pero give and take naman po kami. Hindi naman pwede yung papakopyahin na lang kita tapos ako walang mapapala, swerte nya naman. Naranasan ko din po umuwi ng gabi kakadota at syempre hindi rin maiiwasan pag may birthday alam nyo na, magkakayayaan uminom, tapos uuwi ka lasing na lasing  ka na dahil nadaya ka na naman ng mga kaklase mo. Hindi po kumpleto at masaya ang college life nyo kung hindi nyo naranasan lahat ng mga sinabe ko. Pero kahit ganun meron pong isang bagay na never kong ginawa, yun po ay yung pabayaan ang pagaaral ko. And as a result of my sacrifices, I am now enjoying the fruits of my dedication. I earned my college degree as Magna Cum Laude.. Because of this, I know that I made my family and my community proud of me.

Moreover, I know that what I achieved right now is not solely credited to myself. A lot of people contributed to my journey. Hence, words are not enough to thank all of them. Nevertheless, please let me take this opportunity to say “THANK YOU” anyway to the people who are part of this achievement. First and foremost, I thank our Almighty God and my family for giving their unconditional and untiring love. I would also like to thank Caritas Manila, to our coordinator Kuya Lemuel, and to all the people behind this organization. To the staff, volunteers, donors and sponsor who are generously sharing their time, talent and resources, I will forever be grateful to your kindness and goodness. Rest be assured that your investments to your scholars will never be wasted. We will also help other less fortunate students in their struggles just like what you did to us. Once again thank you for everything.

After all the ups and downs that I experienced, I can say that God is really working in our lives. As what I have read in the Bible, God has better plans for us, plans to prosper us and not to harm us, plans that will give us hope and future. What we have to do is to surrender our lives to Him. Likewise, have faith, as faith is the substance of things what we hoped for. Ergo, I am proud to say and advice to everyone, especially those who are experiencing something similar to what I experienced, to continue with their lives. Life is somehow full of struggles, but these things can be considered as a person’s drive to make one stronger in facing various challenges of life. Most of all, surrender everything to God and He will take care of you.

Again, I am Ace Malaguit Patricio, a son, a brother, a student leader, a Caritas Scholar, and a most especially a child of God. Maraming Salamat.

RUEVEN DE OMAÑA CUIZON

MAGNA CUM LAUDE

BACHELOR IN SECONDARY EDUCATION MAJOR IN SOCIAL STUDIES

UNIVERSITY OF MAKATI

 

Sa mga minamahal na panauhin, Rev. Fr. Anton C.T. Pascual, Executive Director ng Caritas Manila, kay Senator Bam Aquino, ang ating keynote speaker, sa mga volunteers ng Caritas Manila, sa mga proud parents at sa mga kapwa ko nagsipagtapos, Magandang Umaga sa inyong lahat!

Palakpak para sa ating mga sarili dahil tayo ay nakapagtapos na rin sa wakas!

Isa sa hindi ko makakalimutang Ebanghelyo ng Easter Octave ay yung ebanghelyong binasa noong aming Baccalaureate Mass. Hango ito kay San Juan 21:1-14 (kapitolo dalawampu’t isa, bersikulo isa hanggang labing-apat). At sa birsikulo pito ng Ebanghelyong ito, matatagpuan natin ang mga katagang, IT IS THE LORD. Nasabi ito ng pinakamamahal na alagad ni Hesus nang iutos sa kanila ni Hesus na muling ibaba ang lambat at sila ay makakahuli na ng mga isda. At hayaan niyong sa mga katagang ito umikot ang mga pangyayari sa buhay ko.

IT IS THE LORD! (ANG PANGINOON IYON!). Ang Panginoon ang dahilan kung bakit ako nandidito sa harap ninyo. Ang Panginoon ang dahilan kung bakit may isang Rueven Cuizon, kung hindi dahil sa Panginoon, wala akong buhay. Salamat sa nanay ko na nagluwal sa akin sa napakagandang mundo na ito na ang may gawa ay ang Panginoon rin. Salamat din sa aking Lola Lucy at Lolo Nito sa mga sakripisyong kanilang ginawa para lang ako ay mapalaki ng ganito kalaki. Dalawang taon pa lang kasi ako ng iwan ako ng aking mga magulang sa aking mga lolo at lola dahil sa hindi nila ako kayang buhayin at palakihin, nasa murang edad pa lang kasi ang aking tunay na ama at ina ng ako ay kanilang maisilang. Kaya malaki ang pasasalamat ko sa Panginoon sapagkat tulad ng kanyang Anak na si Hesus, hindi niya pinabayaan ito, bagkus binigyan niya ng isang pamilya upang maging buo ang pagkatao niya. Biyaya po sila ng Panginoon sa akin, siya ang dahilan kung bakit ang aking mga lolo at lola ay tinuring ko rin bilang aking mga tunay na magulang. It is all because of the Lord!

IT IS THE LORD! (ANG PANGINOON IYON!) Ang Panginoon din ang dahilan kung bakit ko napagtagumpayan ang aking pag-aaral. Mula elementary pa lang, achiever na ako, laging nasa Top at laging gustong taasan ang Top na iyon. Elementary pa lang ng nakita ko na sa sarili ko ang gusto kong maging pag laki ko, yun nga yung pagiging guro. Nakakainspire kasi yung mga guro ko nun, bukod sa magagaling magturo ay tinutulungan nila ang kanilang mga mag-aaral na ilabas ang kanilang natatanging galing – at ito ang isa sa mga adhikain ko bilang guro sa hinaharap, maging kaakibat ako ng mga magulang sa paglalabas sa kanilang mga anak ng kanilang mga talento at natatanging galling, at gamitin ang talentong ito para sa ikabubuti ng kanilang sarili, ng kanilang pamilya at ng kanilang lipunan at upang maiwas na ang paggamit ng mga talentong ito sa mali. Kaya nainspire ako, sabi ko noon sa sarili ko na gusto ko ring maging kagaya nila tumulong sa bayan na maging “pag-asa ang mga kabataan” sa mga susunod na henerasyon.

IT IS THE LORD! (ANG PANGINOON IYON!) Taong 2008 ng ako ay pumasok sa hayskul. Taon ding ito ng ako ay simulang makapaglingkod sa aming Parokya, ang National Shrine of Our Lady of Guadalupe. (10 years na po akong naglilingkod sa Parokya, at dahil iyon sa Panginoon!) Ang kwento ng highschool life ko ay parang kwento rin ng elementary life ko. Achiever at laging gusto ay nasa top, di man masungkit ang Top 1, okay pa rin basta nasa Top.

IT IS THE LORD! (ANG PANGINOON IYON!) 2012 ng grumaduate ako ng High School, at oras na para simulan ko ang pangarap ko na maging guro, e kaso, naging pabibo ang University of Makati sa pagpapatupad ng K to 12 Program (isa po ako sa mga first batch ng senior high ng university na iyon) at naudlot pa ng dalawang taon sa pagsasakatuparan ng aking pangarap. Taon ding ito ng ako ay naging scholar or Youth Servant Leader (YSL) ng Caritas Manila. Napakabuti ng Panginoon! Matanda na rin kasi si Lolo, at nahihirapan na sa pagdadrive ng tricycle, ang lolo ko po ay isang Tricycle driver, sa pamamagitan ng kanyang sipag at tyaga sa pagdadrive kami ay iginapang, kaya ng dumating ang Caritas Manila noon, napakalaking tulong po sa akin iyon, naging magaan para sa aming pamilya, naging panatag na ang isip ko sapagakat alam kong may Caritas Manila na sa buhay ko. At di naglaon, nakapag tapos na rin ako ng Senior High at dahil iyon sa Panginoon at sa patuloy na pagmamahal ng aking mga lolo at lola.

IT IS THE LORD! (ANG PANGINOON IYON!) Ito na college na. Totoo na ito, kaunting tiis na lang para sa pangarap ko at sa pangarap ng aking pamilya na magkaroon ng college graduate sa aming pamilya. Hindi pala madali ang maging college student. Totoo at tunay yung stress and yung pressure na nararamdaman mo. Stress dahil sa sunod sunod na pinapagawa at nakakalokang deadline at pressure dahil sa pagiging dean’s lister ko simula 1st year hanggang makapagtapos. Sa kolehiyo ko rin napatunayan na hindi pala madali maging guro, dahil sa amin nakasalalay ang kinabukasan ng mga bata at maging ang kinabukasan na rin ng bansa. The struggle is real, ika nga nila. Napatunayan ko to nong ako ay nagpapractice teaching, at tunay na hindi siya madali lalo na sa mga kaganapang nangyayari sa ating lipunan. Mahirap siya, lalo na sa akin na guro ng araling panlipunan, na ang tinuturo sa mga bata ay yung aral ng nakaraan, aral na nagmula sa pagiging ganid ng mga maykapangyarihan at aral sa mga pagpupursige ng mga tao na mabalik ang kaayusang panlipunan. Mahirap din lalo na kapag tinuro mo sa mga bata ay yung tinatadhana ng batas pero ang gobyerno naman ay tila sumasalungat dito. Sana dumating yung time na maging maayos na yung ating bansa, may maayos na namumuno sa bansa, hindi yung mga leaders na pinaglilingkuran ngunit leaders na syang tunay na naglilingkod, gaya ng natutunan natin sa YSLEP, maging Servant Leaders dapat. Oo mahirap, pero kakayanin – dahil nga sa Panginoon.

Dito ko din naranasan ang sunod sunod na pagsubok sa aming pamilya, nandyan yung naaksidente si lolo at ilang beses pabalik balik sa ospital, at nandyan din yung inoperahan si lola nang dalawang beses. Hindi iyon madali para sa akin, nung mga nasa ospital silang dalawa at ako ang naiiwan sa bahay, umiiyak lang ako sa harap ng altar namin, hindi ko pa kasi kaya kung mawala sila kagad at hindi pa ako nakakabawi sa kanila. Pero ng dahil sa awa ng Diyos at sa tulong na rin ng mga panalangin ng aking mga kaibigan at kasamahan sa parokya, nalagpasan namin ang lahat. At ito nga, nakapagtapos ako ng may kulay pa. lahat ng iyon dahil sa Panginoon. It is the Lord ika nga ng pinakamamahal na alagad ni Hesus.

IT IS THE LORD! (ANG PANGINOON IYON!) Ang Panginoon din ang dahilan kung bakit ako naging Youth Servant Leader, gaya ng nasabi ko nong una. Napakalaki ng tulong ng Caritas Manila, hindi lang sa aking pag-aaral kung hindi maging sa aking pagkatao. Sabi nga, ang isang lesson plan ay hindi magiging successful kung ang mga gawain mong naka handa ay puro lang tungkol sa pangkabatiran o isip, ang lesson plan ay magiging successful kung kumpleto ang magiging objectives mo, kung meron ka tungkol sa pangkabatiran (cognitive), sa pandamdamin (affective) at sa pagkakaugnay ng kaisipan at kilos (psychomotor), ang programang YSLEP ng Caritas Manila ay parang lesson plan that leads to the success of everyday lesson in the classroom. Bakit? Ang mga formations na dulot ng YSLEP ay malaking tulong para sa akin, nabubuhayan ako every formation namin kay Ate Tita Ramos sapagkat tungkol sa Simbahan at sa mga turo nito ang aming inaaral, though alam ko na yung iba dun (dahil ang unang ministry ko po sa parokya ay yung sa Sunday Catechism), eager pa rin akong malaman at madagdagan ang aking learnings. At paano ito nakatulong sa akin bilang guro? Yung mga halimbawang ibinibigay sa amin ng aming formator ay naibabahagi at nagagamit ko bilang mga halimbawa rin sa aking pagtuturo nung aking practice teacing. Bukod dun ang YSLEP ay nakatulong din sa akin sa pandamdamin (affective) sa mga aral at turo ng Simbahan, nakatulong yun sa pamamagitan ng mga Parish Involvements at Social Apostolate ko, sa tulong ng Caritas Manila, mas lalo akong nagkaroon ng tunay na pagpapahalaga sa paglilingkod sa kapwa, lalo na sa paglilingkod sa Simbahan, at sa totoo lang, ang hirap ng umalis dun, lalo pat ngayon, ang dami ko ng ministryng sinasalihan sa aming parokya, sa tulong ng Caritas Manila, mas na inlove ako sa pagseserve sa Simbahan. Panghuli, nakatulong din ang Caritas Manila sa Psychomotor skills ko, di ko makakalimutan yung Team Building namin sa Vicariate, yung gusto ko na sanang sumuko kasi di kaya ng katawan ko pero go pa rin. Bukod dun, nakatulong din ang Caritas Manila sa pagpapayabong ng aking leadership skills, lalo na nung ako yung naging YSL Coordinator sa aming parokya at sa pamamagitan nito, nagtuloy tuloy na yung pagiging student leader ko sa aming paaralan, sa pamamagitan ng pagsali sa mga co-curricular at extra-curricular organizations at syempre sa aming Simbahan. Ilan lamang ito sa napakaraming tulong na nabigay ng Caritas Manila sa akin, sa aking pagkatao at sa aking pamilya. It is all because of the Lord!

Kukunin ko na rin ang pagkakataong ito para pasalamatan ang lahat ng taong ibinigay ng Panginoon para marating ko ang podium na ito at makapagsalita sa harap niyo.

Una, Salamat sa Diyos sa biyaya ng aking mga magulang at biyaya ng aking mga lolo at lola.

Ikalawa, sa Caritas Manila, Salamat po unang-una kay Fr. Anton Pascual.. sa mga masisipag na PSSDM Volunteers, sa mga PSSDM Volunteers namin sa Parokya, kay Ate Eubie, Ate Chat, Ate Nelly, Ate Wheng, Ate Elyn. Kay Ate Medy, na patuloy kaming iniintindi sa kabila ng pagiging makulit at pasaway namin. Sa mga Caritas staff na walang sawang umaalalay sa amin habang kami’y naglalakbay sa pag-aaral, sa mga sponsors and donors kung wala kayo wala po kami dito. Hindi kayo nagkamali sa pagpili sa Caritas Manila para maging daluyan ng inyong mga biyaya, marami po kayong natutulugan at marami po ang nagdadasal para sa inyo! Maraming maraming Salamat po! Bahala na po ang Diyos na mag sukli sa kabutihan ng inyong mga puso, Salamat din sa lahat ng mga naging guro ko mula elementarya hanggang kolehiyo.

At pang huli, Salamat din sa Diyos sa biyaya ng aking Parokya sa Guadalupe. Salamat sa Diyos sa biyaya ng aming mga kaparian, kay Fr. Eric sa kanyang matalino at maka-Amang pagpapastol sa amin, sa kaakibat niya na si Fr. Gilbert (Hi Fr. Gilbert! Thank you po sa lahat!), kay Fr. Clyde na namimiss ko na, na Parish Priest na ngayon sa isang isla sa Samar at kay Msgr. Jose na naging huwaran ko sa pagdedebosyon sa Mahal na Birhen ng Guadalupe.

Last na talaga, kila Chrisel, kagawad Carlo at JC na mga kaYSL ko sa Parokya, congrats sa atin! Graduate na tayo! Sana tulong pa rin tayo sa SSDM ng Shrine natin and maging kaakibat sana tayo sa pagpapaunlad at pagpapaganda ng bansang ito. Kay Hannah na maiiwan namin, ikaw ng bahala sa mga susunod pang YSL ng Shrine. Support ka pa rin naman namin, wag kang mag-alala.

Muli, Salamat! Salamat sa pagkakataong ito na binigay sa akin ng Panginoon para maging instrumento at daluyan ng kanyang biyaya. Tandaan lang natin ito mga ka YSL at mga proud parents, si Hesus, nung siya ay muling nabuhay ay nagpakita sa kanyang mga alagad sa mga panahong balisa at malungkot sila, nais lang iparamdam sa kanila ni Hesus na hindi siya mang-iiwan, ang kaligayahang dulot ng kanyang pagkabuhay ay hindi lamang para sa kanya, kundi para din sa kanyang mga alagad at lalo na para sa atin. Sa mga panahong naguguluhan tayo at naiisstress dahil sa kung ano mang bagay, wag sana nating kalimutan na may Diyos na namatay at nabuhay uli hindi para solohin ang kanyang kaluwalhatian, kundi para makisalo sa ating mga puso na puno na pagkabalisa at pagkalungkot, at sa oras na gumaan ang ating pakiramdam, sa oras na makaranas ng kaluwalhatian at tagumpay, wag din sana nating kalimutan na ang lahat ng ito ay dulot ni Hesus. Ika nga ni San Juan, ang pinakamamahal na alagad, “ANG PANGINOON IYON!” “IT IS THE LORD!” – John 21:7.

Magandang umaga, maraming salamat at pagpalain nawa tayong lahat ng Panginoon!

Leave a Comment