Caritas Manila celebrates 15 years of Segunda Mana

TO mark the 15th year anniversary of its Segunda Mana donated goods program, Caritas Manila has lined up plans to open more Segunda Mana outlets nationwide as well as bring back its celebrity-backed events.

The year 2022 saw gross sales of P77 million signaling a comeback from a pre-pandemic high of P70 million.

To better offer affordable pre-loved items to a greater number of people, Segunda Mana for 2023 is set to open an outlet in Cebu City and more kiosks such as the Catholic Women’s League Parañaque and Archdiocese of Manila.

There are also plans to open a 500-sqm outlet in Tondo, Manila and a future outlet in Davao City.

Two celebrity bazaars are also set to launch this year.

To date, there are 43 Segunda Mana outlets nationwide.

It was in 2008 when the then newly appointed executive director Fr. Anton C.T. Pascual was thinking of how to rebrand the name of what was internally known as the Materials Donations Program.

“Buying is the New Way of Giving” became the campaign slogan of Segunda Mana.

The aim is to encourage the public to donate pre-loved items

Furniture and appliances, kitchen and dining accessories, clothes, bags and luggage, school items, toys and books.

Caritas Manila can pick up items from its donors for free.

To know how you can donate and where to find the Segunda Mana outlet nearest you, log on to www.caritasmanila.org.ph, visit www.facebook.com/OfficialCaritasManila, Instagram @officialcaritasmanila and Twitter @CaritasManila.

Gencars, Inc. – Isuzu Makati donates a brand new 2023 Isuzu Traviz to Caritas Manila, last February 9, 2023.

This vehicle will be used to pick-up cash or in-kind donations which will support our programs to help the poor help themselves.

May you continue to be the channel of God’s love to the least, the lost and the last.

The one who sows sparingly will also reap sparingly, and the one who sows bountifully will also reap bountifully. – 2 Corinthians 9:6

1,500 scholars ng Caritas Manila, naka-graduate sa kolehiyo ngayong taon

Mahigit sa 1,500 mga mag-aaral ang natulungan ng Caritas Manila na mapagtapos sa kolehiyo ngayong taon.

Ito ang inihayag ni Ms. Maribel Palmitos, Officer in Charge ng Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP ng Caritas Manila.

Ayon kay Palmitos, napagtagumpayan ng mga scholar ng Caritas Manila ang pagsubok na kanilang pinagdaanan sa kabila ng pandemya at nagawa pa ding makapagtapos ng kanilang pag-aaral.

Sinabi ni Palmitos na pananampalataya ang naging sandigan ng marami sa mga scholars na dulot din ng kanilang mga formation na ipinagkakaloob sa pamamagitan ng YSL program.

“Isa sa mga kwento na hindi namin malilumutan ay ang kanilang katatagan sa pananampalataya, sabi nila kung hindi sa kanilang pananampalataya hindi nila makikita ang mga sarili nila ngayon na nag-graduate sa kanilang mga kurso, pangalawa, Marami din silang natutunan sa ating programa lalo na sa pagtulong sa kapwa kahit pala sila ay mahihirap kaya din nila tumulong sa kanilang kapwa” pahayag ni Palmitos sa panayam ng programang Caritas in Action sa Radio Veritas.

Inaasahang mahigit sa isang libong mag-aaral ang susuportahan ng Caritas Manila sa pagpasok ng school year 2022 to 2023 kung saan malaking bilang nito ay magmumula sa Archdioocese of Manila habang ang iba ay mula sa iba’t- ibang mga lalawigan.

“Sa taong 2022- 2023 kasalukuyan na po nag-screen ang ating mga program officer sa Luzon, Visayas, Mindanao at sa NCR. Ang ating scholar na parating ay more than 1,000 po at may 500 plus sa Archdiocese of Manila.”

Umaasa ang Caritas Manila na patuloy na susuportahan ng mga mananampalataya ang kanilang schoalrship program lalo na’t ito ang maaring maging susi upang maka-ahon sa kahirapan ang marami.

“Napakalaking tulong po ito sa atin kasi karamihan po sa kababayan natin ay hirap na maipadala sa eskwelahan ang ating mga kabataan. Kahit yung maliit na tulong ang ipapadala natin pwede nating pagsama-samahin ang ating pinansiyal na tulong at makakatulong naman po ito para mapag-aral ang isang bata at maalis sa kahirapan.” Dagdag pa ni Ms. Palmitos.

Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority noong taong 2017 aabot sa 39.2 milyong kabataang Pilipino edad 6 hanggang 24 ang maituturing na out of school youth at isa sa mga lumalabas na pangunahing dahilan nito ay kawalan ng sapat na pangtustos sa pag-aaral.

Serbisyong medikal, pinag-igting pa ng Radyo Veritas at Caritas Manila

Patuloy ang Radyo Veritas katuwang ang Caritas Manila sa pagtulong sa mga higit na nangangailangan lalo na sa serbisyong medikal.

Tinulungan ng kapanalig na himpilan si Nanay Epifania Altares, 62-taong gulang at taga-San Jose del Monte, Bulacan na nanawagan sa Caritas in Action program noong June 9, 2022 upang humingi ng tulong para sa iniindang diabetes at problema sa kanyang mga mata.

Ayon kay Nanay Epifania, nahihirapan siyang kumilos at mas pinipili na lang niyang manatili sa loob ng tahanan upang hindi sumakit ang kanyang mga mata sanhi ng matinding sikat ng araw.

Tinugunan naman ng kapanalig na himpilan kasama ang social arm ng Archdiocese of Manila ang kahilingan ni Nanay Epifania at agad na sinuri ang kanyang mga mata sa pamamagitan ni Dr. Mario Reyes, isang ophthalmologist at partner ng CIA program.

Binigyan ni Dr. Reyes ng libreng konsultasyon at salamin sa mata si Nanay Epifania upang muling magkaroon ng malinaw na paningin at makatulong sa iba pang gawain.

“Ang problema ng mata niya (Nanay Epifania) is kailangan lang niya mag-eyeglasses as far as ‘yung history ng diabetes niya ay kontrolado naman. Hindi naman siya ‘yung grabeng-grabe. Ang grado niya is far-sighted plus walang cataract at retinopathy. Ibig sabihin ‘yung diabetes niya, hindi pa umeepekto sa mata niya at she could live a long life with good vision,” ayon kay Dr. Reyes.

Nagpapasalamat naman si Nanay Epifania sa mga tumulong upang maisakatuparan ang kanyang kahilingang magkaroon ng sariling salamin sa mata.

Aniya, malaking tulong ito sa kanyang mga gawain sa tahanan lalo’t isa rin sa pinagkakaabalahan at pinagkukunan niya ng pagkakakitaan ang pananahi.

“Hinihintay ko talaga ‘yung tawag ng Caritas in Action kasi gustong-gusto ko talagang mapacheck up ang aking mata. Sa awa naman ng Diyos, natupad ‘yung aking minimithi na sunduin nila ako para sa aking mata kasi nahihirapan ako sa paglalakad ko kapag malabo ‘yung mata ko. Tsaka doon naman po sa konsultasyon ng aking mata, naging success ‘yun at salamat kay Doc Mario. Mabibigyan na niya ako ng salamin na matagal ko nang hinahangad,” ayon kay Nanay Epifania.

Samantala, payo naman ni Dr. Reyes sa mga kapanalig na panatilihing malusog ang pangangatawan at mga mata sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansiyang prutas at gulay at iwasan ang masyadong matataba at matatamis na pagkain.

Caritas Manila, inilunsad ang HAPAG-ASA feeding program sa St. John Bosco Parish

Inilunsad ng Caritas Manila sa pamamagitan ng Caritas Damayan ang Nutrition and Feeding Program sa Saint John Bosco Parish sa Tondo, Manila.

Ang programa ng social arm ng Archdiocese of Manila na mas kilala bilang Hapag-Asa Feeding Program ay naglalayong matugunan at maiwasan ang dumaraming bilang ng mga batang nakakaranas ng kagutuman at malnutrisyon.

Katuwang ng Caritas Manila ang Rotary Club of Makati (RCM) na naglaan ng P500,000 pondo bilang pansuporta sa programa ng institusyon sa loob ng anim na buwan para sa higit-150 mga bata na saklaw ng parokya.

Ayon kay Caritas Manila Executive Director Fr. Anton CT Pascual, mahalagang mabigyang-pansin ang suliranin ng malnutrisyon sa bansa lalo na sa mga kabataan nang sa gayon ay makatulong sa pagkakaroon ng malusog at maayos na pangangatawan at isipan.

“We have to save the child as soon as possible at ito nga mayroon tayong six months program na Hapag-Asa para maligtas ang bata at mabigyan ng mas normal na kinabukasan,” pahayag ni Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Samantala, nangako naman si Rotary Club of Makati President Luis Angel Aseoche na ang organisasyon ay patuloy na tutulong at susuporta sa mga adhikain at programa ng Caritas Manila.

Pagbabahagi ni Aseoche na bagamat magtatapos na ang kanyang termino bilang pangulo ng RCM sa Hunyo 30 ay ipagpapatuloy at paiigtingin naman ng susunod na pamunuan ang pagpapabuti sa nutrisyon at pagtugon sa kagutuman ng mga bata mula sa mga mahihirap na komunidad.

“Tamang-tama sa transitioning from my term to the next term, we have as beneficiaries children of school age because they need to have good nutrition for their brains to develop and for them to have a fighting chance to succeed in life and to improve their economic conditions,” ayon kay Aseoche.

Nagpapasalamat naman si Fr. Gaudencio Carandang, Jr., kura paroko ng St. John Bosco Parish-Tondo sa inisyatibo ng Caritas Manila dahil sa patuloy nitong pagtulong sa mga mahihirap na pamilya lalo na sa pagtugon sa kagutuman at malnutrisyon ng mga bata.

Tinatayang aabot na sa higit-5,000 ang benepisyaryo ng Hapag-Asa Feeding Program ng Caritas Manila.

Batay sa pag-aaral ng United Nations Children’s Fund o UNICEF noong 2021, nasa 45-milyong mga bata ang nakakaranas ng labis na epekto ng malnutrisyon sa buong mundo.

SANLAKBAY, nakahandang makipagpulong sa bagong administrasyon

Bukas sa pakikipag-ugnayan ang drug rehabilitation program ng Archdiocese of Manila na Sanlakbay sa bagong administrasyon at mga bagong halal na alkalde sa Metro Manila para maipagpatuloy ang adhikain na mabago ang buhay ng mga drug dependents.

Ito ang tiniyak ni Rev. Fr. Roberto Dela Cruz, Program head ng Sanlakbay na halos 6 na taong nang tumutulong sa mga nalulong at gumagamit ng ipinagbabawal na gamot na gustong magbago.

Ayon kay Fr. Dela Cruz, sa kabila ng epekto ng pandemya ay patuloy na naging matagumpay ang kanilang adhikain na baguhin ang buhay ng mga drug dependents sa spiritual at makataong pamamaraan.

Sinabi ng Pari na nakahanda silang makipagpulong sa bagong administrasyon upang maipagpatuloy ang mga nasimulang programa ng Simbahan Katolika partikular na sa mga nasasakupan ng Arkidiyosesis ng Maynila.

“Ang mahalaga na meron tayong kooperasyon at we should work together. So far wala pa kaming meeting sa bagong administrasyon like example sa mga mayors ng bawat city siyempre yun hawak natin na Manila, Mandaluyong, Pasay, San Juan at Makati, hinihintay pa namin makaupo yun mga bagong mayors natin then after they settle down syempre yung mga anti-drug abuse council magkakaroon ng mga series ng meetings ngayon,” pahayag ni Fr. Dela Cruz sa panayam ng programang Caritas in Action sa Radyo Veritas.

Aminado si Fr. Dela Cruz na magsisilbing panibagong hamon sa kanila ang gagawing pakikipag-ugnayan sa pamahalaan.

Siniguro ni Fr. Dela Cruz na bukas ang tanggapan ng Sanlakbay at ng Caritas Manila para sa mga nagnanais na sumailalim sa kanilang programa at makatulong sa pagbabago.

Magugunitang inulunsad ng Archdiocese of Manila ang programang Sanlakbay sa pagbabagong buhay bilang tugon ng Simbahang Katolika sa suliranin sa mga gumagamit ng ilegal na droga.

Sa datos ng Commission on Human Rights noong taong 2018 tinatayang umabot sa 27 libong indibidwal na ang nasawi dahil sa pinaigting na kampanya ng Administrasyong Duterte laban sa iligal na droga.

Caritas Manila scholars, tumanggap ng school honors at awards

106-million pesos ang inalaang pondo ng Caritas Manila upang matulungan sa pag-aaral ang may 4,639 na scholars ng Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) sa Technical-Vocational at Tertiary level education noong 2021.

Inihayag ni Father Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila na kanilang misyon sa paglilingkod sa Panginoon na tulungan ang mga kabataan na makapag-aral upang makaahon sa kahirapan.

“We believe that education is the great social equalizer if we want to overcome poverty, we have to educate as many youths as we can with knowledge skills and attitude of a servant like the Lord,” mensahe ni Father Pascual.

Ikinagalak naman at kinilala ng Caritas Manila na marami sa kanilang mga scholar ang nakatanggap ng ibat-ibang parangal noong nakalipas na taon.

“Total of 667 YSLEP scholars received school honors and awards. The current batches produced two Magna cum Laude, one cum laude, one board passer, 53 on the President’s list, 494 on Deans List, 26 with honors, 60 academic excellence recipients, and 30 with special awards,” ayon sa pag-uulat ng Caritas Manila.

Noong 2021 din ay nakumpleto ng mga YSLEP scholar ang mahigit 94-thousand hours nang leadership formation programs na itinakada ng Caritas Manila bilang bahagi ng kanilang scholarship program.

Taon-taon ay umaabot sa mahigit limang libo ang mga YSLEP scholars ng Caritas Manila hindi lamang sa Metro Manila, saklaw din nito ang mga mag-aaral mula sa ibat-ibang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.

2.5-bilyong piso, naitulong ng Caritas Manila sa mga biktima ng COVID-19 at nasalanta ng bagyong Odette

Umaabot sa 2.14-bilyong piso ang nailaang pondo ng Caritas Manila bilang pagtugon sa pangangailangan ng mga pinakamahihirap na pamilya sa dalawang taong pag-iral ng pandemya sa Pilipinas.

Ayon sa social arm ng Archdiocese of Manila, naitala sa 1.7-bilyong piso noong 2020 at 418-milyong piso noong 2021 ang COVID-19 relief assistance o Food packs, sanitation kits, grocery at gift checks na naipamahagi maging sa mga mahihirap na pamilya sa pinakaliblib na lugar sa bansa.

Sa kanyang mensahe, inihayag ni Fr. Anton CT. Pascual, Executive Director ng Caritas, na mahalaga ang pagkakaisa at pakikibahagi ng mamamayan upang matulungan ang mga higit na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

“Addressing not only the health but also the economic effect of this pandemic can only be achieved if we work closely together and share our common goal of making a positive impact in the lives of those at the bottom of the pyramid,” pahayag ni Father Pascual.

Naitala rin ng social arm ng Archdiocese of Manila na umabot sa higit 200-libong mga pamilya ang napamahagian ng gift checks, habang sa tulong naman ng ‘Hapag-Asa Scientific Feeding Program’ ay mahigit 10-libong mga bata sa may 26-feeding sites sa Metro Manila at karatig lalawigan ang napakain at natulungang magkaroon ng sapat na nutrisyon noong 2021.

Umaabot naman sa 47-milyong piso ang naibigay ng Caritas Manila sa 11 diyosesis sa Visayas at Mindanao na lubhang sinalanta ng bagyong Odette noong 2021.

Ang unang 37-milyong piso ay inilaan bilang pondo sa mga agad na pangangailangan ng may 38-libong pamilya, habang ang 10-milyong piso naman ay inilaan sa rehabilitasyon ng pinakamahihirap na komunidad na nasalanta ng bagyo.

Sa pamamagitan naman Caritas Manila Damayan Program ay kinakalinga ang mahigit 37-libong pamilya sa Regions 11, 10, 8, 6, 5, MIMAROPA at CARAGA na walang matirahan at nananatili sa mga evacuation centers matapos sirain ng bagyo ang kanilang mga tahanan.

“Caritas Manila sent an initial ₱47 million to 11 dioceses affected by super typhoon Odette. The first ₱37 million was sent to provide for the basic and emergency needs of over 38,000 families, and another ₱10 million for rehabilitation efforts in poor communities in Visayas and Mindanao,” ayon sa pag-uulat ng Caritas Manila.

Sa tulong naman ng idinaos na PADAYON ONLINE CONCERT noong March 25 ay umaabot na sa higit 22-milyong piso ang nalilikom na donasyon na hiwalay pang ilalaan para naman sa rehabilitasyon ng mga sinirang simbahan at parokya ng bagyong Odette.

Caritas Manila, naghahanap ng mga volunteer

Patuloy na naghahanap ang Caritas Manila ng mga nais maging volunteer at maging lingkod ng social arm ng Archdiocese of Manila.

Sa panayam ng programang Caritas in Action, sinabi ni Ms. Armielyn Sta. Maria, Formation Coordinator ng Caritas Manila Institute of Servant Leadership and Stewardship o Caritas Manila-ISLaS, na bukas ang kanilang tanggapan para sa mga gustong maging kabahagi ng pagtulong sa mga mahihirap at nangangailangan.

Kasabay ng pagpapatupad ng alert level 1 sa Metro Manila, mas naging aktibo ang Caritas Manila-ISLaS sa mga on grounds activity na nangangailangan ng mga indibidwal na ninanais makapaglingkod ng walang hinhintay na anumang kapalit.

Sinabi ni Sta. Maria na maaaring makipag-ugnayan sa tanggapan ng Caritas Manila ang mga nais maging miyembro ng ISLaS Volunteers.

“Pagkakataon na po natin ito na yun may mga mabuting puso at bukal ang kanilang kalooban sa paglilingkod sa kapwa kami po ay bukas para sa mga kapanalig na gustong magbigay ng paglilingkod,” pahayag ni Sta. Maria.

Kahit anong edad at katayuan sa buhay ay maari maging volunteer ng Caritas Manila.

“As long as kayang magbigay ng serbisyo, sa ngayon yung mga Senior [Citizen] nilalagay natin sa council of Elders, si Caritas Manila po walang tinatanggihan kung gustong maglingkod, sila ay merong papalooban na programa para sila ay makatulong pa sa mas nakakarami,” pahayag ni Sta.Maria

Nagpapasalamat naman ang Caritas Manila sa may 2,500 volunteers nito sa Arkidiyosesis ng Maynila na hindi matatawaran ang pagseserbisyo para sa mga mahihirap lalo na sa kasagsagan ng mga quarantine restriction dahil sa COVID-19.

Magugunitang sa kabila ng pandemya ay naging aktibo ang Caritas Manila sa pamamahagi ng ayuda katuwang ang ilang mga pribadong sektor.

Taong 2020, nang maipamigay sa pamamagitan ng Oplan Ugnayan ng Caritas Manila at private sector ang may mahigit 1 bilyong pisong halaga ng gift certificates sa National Capital Region at mga karatig lalawigan para sa mga mahihirap na naapektuhan ng nationwide lockdown sa pangunguna ng mga volunteers.

Caritas Manila, nagpadala ng tulong pinansiyal sa Caritas Ukraine

Nagpadala ng isang milyong piso na tulong pinansiyal ang Caritas Manila para sa Caritas Ukraine.

Ito ay bilang pakikiisa sa patuloy na humanitarian efforts na ginagawa ng Caritas Ukraine para sa mga mamamayan na naapektuhan ng digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Una nang nakipag-ugnayan si Caritas Manila Executive Director at Radio Veritas President Rev. Fr. Anton CT Pascual kay Caritas Internationalis President at dating Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle upang ipahayag ang kagustuhan ng Manila-based Caritas na magpadala ng tulong sa Ukraine.

Sa naging panayam ng Radyo Veritas kay Fr. Pascual,sinabi nito na ang Caritas Manila ay nakikiisa sa panawagan ng kapayapaan at naniniwala siyang walang sinuman ang nananalo sa digmaan.

Una nang umapela ng pagkakaisa at tulong pinansiyal ang Caritas Ukraine para sa mga mamamayan ng kanilang bansa na naiipit sa kaguluhan.

Sa isang panayam ng Rome-based media agency na Vatican News kay Cardinal Tagle, sinabi nito na labis ang kanyang nararamdamang kalungkutan dahil sa epekto ng patuloy na nagaganap na digmaan.

Umaasa ang Kardinal na hindi pa rin mawawala ang pag-asa na magkakaroon ng usaping pangkapayapaan at matitigil na ang alitan ng dalawang nasabing bansa lalo na bilang paggunita sa panahon ng kuwaresma.

“As Christians, we must trust that hope is always in God. In this season of Lent, the Church – through the Readings – invites us to renew our hope in Jesus Christ. And this hope means the triumph of love, of mercy. We now see concrete signs of this hope. No gun can kill hope, the goodness of the spirit in the human person. There are so many testimonies to this. The hope in Jesus Christ and His Resurrection is true and is seen precisely in the testimony of so many people.” Bahagi ng panayam ng Vatican News kay Cardinal Tagle.

Batay sa datos ng World Population Review tinatayang nasa 43.3 milyong ang populasyon ng Ukraine bago nagsimula ang paglusob ng Russia.

Marami sa mga pamilya ang nagsilikas na sa mga katabi nitong bansa habang ang ilang ay nasa pangangalaga ng mga institusyon ng Simbahang Katolika.

  • 1
  • 2

BE A #GIFTEDTOGIVE DONOR TODAY.

Caritas Manila is the leading social arm of the Archdiocese of Manila and the integrator of the Church social services and development in Metro Manila.

Contact Us

Caritas Manila is always at your service

Give Us a Call
+632 8562-0020 to 25


© 2022 Caritas Manila | Powered by: iManila