2.5-bilyong piso, naitulong ng Caritas Manila sa mga biktima ng COVID-19 at nasalanta ng bagyong Odette

Umaabot sa 2.14-bilyong piso ang nailaang pondo ng Caritas Manila bilang pagtugon sa pangangailangan ng mga pinakamahihirap na pamilya sa dalawang taong pag-iral ng pandemya sa Pilipinas.

Ayon sa social arm ng Archdiocese of Manila, naitala sa 1.7-bilyong piso noong 2020 at 418-milyong piso noong 2021 ang COVID-19 relief assistance o Food packs, sanitation kits, grocery at gift checks na naipamahagi maging sa mga mahihirap na pamilya sa pinakaliblib na lugar sa bansa.

Sa kanyang mensahe, inihayag ni Fr. Anton CT. Pascual, Executive Director ng Caritas, na mahalaga ang pagkakaisa at pakikibahagi ng mamamayan upang matulungan ang mga higit na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

“Addressing not only the health but also the economic effect of this pandemic can only be achieved if we work closely together and share our common goal of making a positive impact in the lives of those at the bottom of the pyramid,” pahayag ni Father Pascual.

Naitala rin ng social arm ng Archdiocese of Manila na umabot sa higit 200-libong mga pamilya ang napamahagian ng gift checks, habang sa tulong naman ng ‘Hapag-Asa Scientific Feeding Program’ ay mahigit 10-libong mga bata sa may 26-feeding sites sa Metro Manila at karatig lalawigan ang napakain at natulungang magkaroon ng sapat na nutrisyon noong 2021.

Umaabot naman sa 47-milyong piso ang naibigay ng Caritas Manila sa 11 diyosesis sa Visayas at Mindanao na lubhang sinalanta ng bagyong Odette noong 2021.

Ang unang 37-milyong piso ay inilaan bilang pondo sa mga agad na pangangailangan ng may 38-libong pamilya, habang ang 10-milyong piso naman ay inilaan sa rehabilitasyon ng pinakamahihirap na komunidad na nasalanta ng bagyo.

Sa pamamagitan naman Caritas Manila Damayan Program ay kinakalinga ang mahigit 37-libong pamilya sa Regions 11, 10, 8, 6, 5, MIMAROPA at CARAGA na walang matirahan at nananatili sa mga evacuation centers matapos sirain ng bagyo ang kanilang mga tahanan.

“Caritas Manila sent an initial ₱47 million to 11 dioceses affected by super typhoon Odette. The first ₱37 million was sent to provide for the basic and emergency needs of over 38,000 families, and another ₱10 million for rehabilitation efforts in poor communities in Visayas and Mindanao,” ayon sa pag-uulat ng Caritas Manila.

Sa tulong naman ng idinaos na PADAYON ONLINE CONCERT noong March 25 ay umaabot na sa higit 22-milyong piso ang nalilikom na donasyon na hiwalay pang ilalaan para naman sa rehabilitasyon ng mga sinirang simbahan at parokya ng bagyong Odette.

BE A #GIFTEDTOGIVE DONOR TODAY.

Caritas Manila is the leading social arm of the Archdiocese of Manila and the integrator of the Church social services and development in Metro Manila.

Contact Us

Caritas Manila is always at your service

Give Us a Call
+632 8562-0020 to 25


© 2022 Caritas Manila | Powered by: iManila